Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Filipino, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Opisina ng Kultura at Sining, katuwang ang Sentro ng Wika at Kultura ng Pambansang Pamantasan ng Batangas, ay maglalathala ng isang aklat na kinapalolooban ng mga kuwentong bayan mula sa mga lokal na manunulat ng Region IV-A.
Ala eh! Isa ka bang manunulat? Gusto mo bang mapabilang ang iyong akda sa aklat na ililimbag ng Komisyon sa Wikang Filipino? Ta! Subukan mo’t baka isa ka sa mga mapipiling kontribyutor ng nilalaman ng nasabing aklat. Ipasa na ang iyong naisulat na kuwentong bayan, alamat, pabula, at mitolohiya.
1. Ang akda ay kinakailangang orihinal, at hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon.
2. Filipino ang midyum sa pagsulat.
4. Gamitin ang format na ito bilang file name: Pamagat_Awtor_UriNgPanitikan.pdf
5. Sa mga karagdagan pang katanungan, mangyaring mag-iwan ng mensahe sa official facebook page ng Batangas State University – Office of Culture and the Arts.
#LeadingInnovations #TransformingLives #ZitoRedSpartans